Ang BATAKFILIPINO ay naglalayon na palaguin at paunlarin ang mga bagay na may kinalaman sa pampanitikan ng Pilipinas.
Ang mga akda na isinulat ng ating mga magigiting na Pilipinong manunulat ay ating dapat ipagmalaki. Malaki ang kanilang naitulong sa larangan ng ating panitikan. Malaki at mahalagang bahagi sa edukasyon ng Pilipinas ang pag-aaral ng Panitikang Filipino. Ang Pilipinas ay mayaman sa iba't - ibang panitikang naglalarawan sa kulturang Pilipino. Ang nais lamang ng BatakFilipino ay ibahagi ang mga ilang panitikang likha ng ating mga mamamayang manunulat upang ipakita ang mga likha ng ating mga Pilipinong manunulat sa larangan ng panitikan, makatulong na rin sa mga mag-aaral na nais paunlarin ang kaalaman at mapahusay ang pag-aaral nito.. |
Panitikang Filipino
Ito ay napapangkat sa dalawang uri: ang pasalindila at pasalinsulat. Ngunit dahil sa makabagong teknolohiya, nagkaroon ng isa pang bahagi ang panitikan. Ito ay ang pansalintroniko. Ang pasalindila ay ang paglilipat ng dila o bibig. Ito ay nangyari noong unang panahon nang wala pang sistema ng pagsulat. Ang pasalinsulat naman ay ang paghahalin ng isang panitikan o pagiimprenta. Ito ay nangyari noong nagkaroon na nang kaalaman ang mga Pilipino tungkol sa pagsulat. Ang huli, pansalintroniko ay ang paghahalin ng panitikan gamit ang mga kagamitang elektroniko tulad ng computer, disk, tape recorder atbp. |